Tuesday, November 07, 2006

Hormy PRC Lola from Hell

Mahilig ka bang pumila nang pumila pero wala namang pinapupuntahan?
Natutuwa ka bang makipag-share ng pawis sa mga katabi mong mukhang hindi pa naliligo... since last week?
Trip mo bang masigawan every 10 seconds?
Kung ang sagot mo sa mga tanong na ito ay OO (or YES, para sa mga kapatid nating "do the sosy hi"), pwes, alam ko na ang perfect gimik place for you --> PRC MAIN OFFICE!!!!!!!


May hypothesis ako dati sa mga taong nagtatrabaho sa PRC eh. Kasi palaging hapon na ako nakaka-abot ng windows sa sobrang haba ng pila. Inisip ko, sobrang pagod na sila kaya medyo mainit na ang ulo... Pero kanina, NA-DISPROVE KO 'TO.. kahit umaga pa lang pala, naghuhurumentado na sila (HORMY!!).

Nag-aagahan ba ng bubog yung mga taong nagtatrabaho dun? Bakit parang lahat sila ay hindi masaya sa buhay nila?? Kamag-anak ba nila yung mga nagtatrabaho sa post-office ng Greenhills, LTO sa Novaliches, at Wendy's ng SM Cavite (service with a frown)?

Hindi lang siguro 50 times kami sinigawan ng isang grumpy lola dun-- eto na ang script nya:
"Hoy! Yung mga first timer na mag aaply, sa pip ploor kayo
magpunta. Hindi dito ang hinahanap nyo. Yung mga nakaupo
dyan, nagbayad na ba kayo? Make sure na tama yung pinill up
pill up nyo dyan! Oh ikaw, bat bigla ka na lang umupo dyan?
Dun ka sa dulo? Kanina ka pa nakapila? Basta bumalik ka six
seats, mali ka eh. Kayo dyan, wag kayo magpapasingit!"


Hilarious!!! Kaso napagtripan din nya ako eh. Kasi nilagay ko sa Review School - NONE, kasi 'ndi naman tlaga ako nagrereview. Eto ang naging usapan namin:

Hormy Lola: O, bat kulang 'to. Dapat meron ito. May code, hindi kami ang magsusulat dyan!
Ako: Ma'am, hindi po ako nag enroll sa review school eh, ang ilalagay ko na lang
po yung school kung saan ako graduate.
Hormy Lola: Hindi pwede yun! Kung saan ka nga nag review.
Ako: Hindi po kasi ako nag review school eh.
Hormy Lola: Hindi pwedeng walang nakalagay dyan.
Ako: Sige po, kahit anong review school na lang.
Hormy Lola: Aba, ba't kahit ano? Ilalagay mo dyan kung saan ka nga nag review. Self-
explanatory naman diba? Bumalik ka na lang pag nakumpleto mo
na yan. Pila ka ulit. Next!

Anak ng toks! Tumatalab pa ba ang Promil sa mga matatanda? Padadalhan ko sana si lola eh. Haaaay. Kitams, yan ang epekto ng kakulangan sa iodized salt!

Paneeeeeeeeeec!!!!

I have about a little over 20 days to review for the Librarians Licensure Exam.. I'm really confident about it... I'm confident that I will fail.. wehe! Kakakuha ko lang ng reviewer, wala na ako panahon na mag enroll for the review class.. hell, wala na ako panahon para mag review!



Pero sige lang, sayang naman ang pakikipag sapalaran ko sa PRC para lang maka apply.. Sa unang tingin, akala mo screening sa Wowowie (tama ba spelling? hindi pa ako nakakapanood nun eh--nabalitaan ko lang yung tragedy), andaming tao.. sumabay pa kami sa mga nag aapply ng nursing exam.. tuloy pag nagtanong ka, malamang ituro ka sa pila ng mga nurse, pag abot mo sa counter, tsaka ka sisigawan na mali ka ng pinilahan.. DYARAAAAN! Haaaay!

Nag text ako kanina sa dati kong boss, sabi ko nakakahiya pag ako lang ang bumagsak sa exam na yun, sana may ibang mas bobo sa akin..ang sagot nya: "Ndi, kaya mo yan! Tandaan mo, MABANGIS KA!" --> naks! Bilang pagkilala sa katapangan naming kumuha ng LET ng hindi nag rereview.. pero nandaya ako kasi nag review ako nung gabi bago mag exam, naawa yata and diyos ng mga exam, pinapasa ako.

Sa totoo lang, nasa priority lang talaga yan eh (sabi ng Dad ko). Kung gusto mo pumasa, maghahanap ka ng oras para mag aral. Obviously, ang priority ko ay mag blog. Proof lang talaga na ang EQ ko ay negative 5.

Monday, November 06, 2006

Ipis Mayaman

Kung nagbabalak kayong bumili ng unit, mag rent, makitulog, atbp. sa Cityland Shaw Tower, 'eto lang ang masasabi ko sa inyo - 'WAAAAAAG!!!!! *echo echo*


The place itself isn't crap, it's the ipis infestation that's giving it a bad name.. Eto yung mga tipo ng ipis na kahit siguro nukes ang gamitin eh ndi kakayanin. Na-try na namin lahat: Raid.. Baygon.. ok, so hindi pala lahat.. pero hindi tumatalab! Mas effective pag binuhusan mo ng alcohol tas sinindihan mo.. actually, namamatay na sila pag inalcohol, bonus na lang yung pagsusunog (oo na, may pyro-sadistic tendencies ako.. pero at least may outlet ako). Meron na rin kaming Domex-Alcohol solution na nakalagay sa sprayer.. ang saya, isang spray lang puti na yung sahig.. kaso kahoy yun eh, dapat brown...

Buti na nga lang maliliit yung mga ipis.. bite-size kumbaga.. Hate na hate ko yung mga giant ipis na lumilipad eh!!! tingin ko kasi meron akong lighthouse effect - sakin dumidiretso pag lumipad na, hirap pa naman paluin nun mid-flight, walang resistance, nakakaiwas!


Nung isang beses, sumakay ako ng cab pauwi. Nung sinabi ko kung saan pupunta sabi nung manong "Waaw, miss. Ang yaman nyo naman! Maswerte kayo nakatira kayo sa ganung lugar!" (yan eksakto yung sinabi nung manong, sinulat ko kasi kagad sa notebook ko yung usapan namin eh, enlightening kasi) Syempre sagot ako na hindi nga maswerte kasi madaming ipis. Huling hirit ni manong bago ako bumaba: "Miss, ipis ng mayayaman yun, yung maliliit? Galing pa ng China yun eh, nadala lang dito nung mga nag eexport."

Whaaaaat?! Imported ang ipis dito?? panalo dba? Iba talaga ang taxi driver 'no? Andaming nalalaman.