Hormy PRC Lola from Hell
Mahilig ka bang pumila nang pumila pero wala namang pinapupuntahan?
Natutuwa ka bang makipag-share ng pawis sa mga katabi mong mukhang hindi pa naliligo... since last week?
Trip mo bang masigawan every 10 seconds?
Kung ang sagot mo sa mga tanong na ito ay OO (or YES, para sa mga kapatid nating "do the sosy hi"), pwes, alam ko na ang perfect gimik place for you --> PRC MAIN OFFICE!!!!!!!
May hypothesis ako dati sa mga taong nagtatrabaho sa PRC eh. Kasi palaging hapon na ako nakaka-abot ng windows sa sobrang haba ng pila. Inisip ko, sobrang pagod na sila kaya medyo mainit na ang ulo... Pero kanina, NA-DISPROVE KO 'TO.. kahit umaga pa lang pala, naghuhurumentado na sila (HORMY!!).
Nag-aagahan ba ng bubog yung mga taong nagtatrabaho dun? Bakit parang lahat sila ay hindi masaya sa buhay nila?? Kamag-anak ba nila yung mga nagtatrabaho sa post-office ng Greenhills, LTO sa Novaliches, at Wendy's ng SM Cavite (service with a frown)?
Hindi lang siguro 50 times kami sinigawan ng isang grumpy lola dun-- eto na ang script nya:
"Hoy! Yung mga first timer na mag aaply, sa pip ploor kayo
magpunta. Hindi dito ang hinahanap nyo. Yung mga nakaupo
dyan, nagbayad na ba kayo? Make sure na tama yung pinill up
pill up nyo dyan! Oh ikaw, bat bigla ka na lang umupo dyan?
Dun ka sa dulo? Kanina ka pa nakapila? Basta bumalik ka six
seats, mali ka eh. Kayo dyan, wag kayo magpapasingit!"
Hilarious!!! Kaso napagtripan din nya ako eh. Kasi nilagay ko sa Review School - NONE, kasi 'ndi naman tlaga ako nagrereview. Eto ang naging usapan namin:
Hormy Lola: O, bat kulang 'to. Dapat meron ito. May code, hindi kami ang magsusulat dyan!
Ako: Ma'am, hindi po ako nag enroll sa review school eh, ang ilalagay ko na lang
po yung school kung saan ako graduate.
Hormy Lola: Hindi pwede yun! Kung saan ka nga nag review.
Ako: Hindi po kasi ako nag review school eh.
Hormy Lola: Hindi pwedeng walang nakalagay dyan.
Ako: Sige po, kahit anong review school na lang.
Hormy Lola: Aba, ba't kahit ano? Ilalagay mo dyan kung saan ka nga nag review. Self-
explanatory naman diba? Bumalik ka na lang pag nakumpleto mo
na yan. Pila ka ulit. Next!
Anak ng toks! Tumatalab pa ba ang Promil sa mga matatanda? Padadalhan ko sana si lola eh. Haaaay. Kitams, yan ang epekto ng kakulangan sa iodized salt!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home